Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo ‘di pa rin tanggap ng AlDub nation

0 109

NI: ARCHIE LIAO

Nabuo ang AlDub dahil sa chemistry nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nakakalungkot lang isipin na inaakusahan ng ilang AlDub fans ang kanilang idolong si Maine na ingrata dahil hindi nito na-meet ang expectations ng kanyang loyal fans.

Nagsimula ang akusasyong ito nang ihayag ni Maine na hindi na siya maligayang magkunwari at papaniwalain ang kanyang mga faney na may pagtitinginang namamagitan sa kanila ng kaniyang love team partner na si Alden.

Dahil dito, hindi ito nagustuhan ng AlDub fans dahil naunsyami ang kanilang ilusyon na magkakatuluyan ang kanilang dinambanang love team.

Na-bash din siya noon ng Aldub Nation dahil sa rebelasyon niya na nagdi-date na sila ni Arjo Atayde na sa kasalukuyan ay boyfriend na niya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin tanggap ng AlDub na ang kanilang idolong sinuportahan noon ay napunta kay Arjo.

Sa kanyang hanash naman na sa kanyang Twitter account, nilinaw ni Maine na hindi siya ‘ungrateful’ sa mga nagawa sa kanya ng fans at followers.

Pinapakiusap lang niya na sana irespeto ng mga ito ang kanyang personal space at igalang ang desisyon nila pagdating sa kanyang lovelife.

Hirit pa niya, masaya raw siya sa buhay niya ngayon at sana ay ganoon din ang AlDub Nation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.