Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo gigibain si Alfred sa QC

0 527

Ilang celebrity ang napaulat na nagpaplano nang pasukin ang mundo ng politika matapos hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sa Politiko report noong January 20, isa sa mga gustong tumakbo sa nalalapit na eleksyon ang nobyo ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde.

Target umano nr 30-anyos na aktor na maging kinatawan ng 5th District ng Quezon City dahil nakatanaw ang kasalukuyang congressman nito na si Alfred Vargas sa ibang posisyon sa 2022 polls.

SM food to go Banner Ad

Bukod doon ay maaabot na ni Vargas ang maximum na tatlong taong term limit para sa district legislator sa susunod na taon.

Sinabi pa ng congressional insider ng Politiko, na tatakbo si Atayde sa ilalim ng partido nina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.

Subalit hindi magiging madali ang mithiin ni Atayde na maging QC 5th District representative dahil target din umano ng kapatid ni Alfred na si incumbent 5th District Councilor Patrick Michael “PM” Vargas ang naturang posisyon.

Bago nito ay magbabase muna ang kampo ni Atayde sa mga survey result sa kalagitnaan ng 2021 at kung hindi ito pumabor sa Kapamilya actor ay ‘Plan B’ niyang tumakbo na lamang sa pagka-konsehal ng 3rd District ng QC. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.