Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo kay Bato: Mauna ka humanap ng ibang trabaho!

0 3,795

Bumwelta si Kapamilya actor Arjo Atayde sa naging pahayag ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maghanap na ng lang ng ibang trabaho ang mga ABS-CBN employee.

“Dada ng dada… mauna ka,” ayon sa tweet ni Arjo patungkol sa report kung saan hinimok ng mambabatas na maghanap ng mapagkakakitaan ang mga matatanggal sa media company.

https://twitter.com/AtaydeArjo/status/1281172189555773441

SM food to go Banner Ad

“Hanap ng ibang trabaho para mabuhay, magsumikap, may ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo. Hanap ng ibang jobs,” ayon kay Dela Rosa sa dating panayam sa mga mga reporter.

“Alangan namang sabihin ko sa kanila na maghimagsik kayo, magwala kayo, hindi naman puwede ‘yun. Hanap na lang kayo ng ibang trabaho para mabuhay ang pamilya ninyo,” dagdag pa nito.

Samantala, nanganganib naman ang pagkawala ng trabaho para sa 11,000 Pilipino matapos na ibasura ng House committee ang franchise renewal ng ABS-CBN noong Biyernes. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.