Abante Tonite Interactive

Arjo lutang kay Maine

391

tonite-pak-allan-dionesPanay ang sabi ni Arjo Atayde na very happy siya ngayon at kuntento sa kung anong meron sila ni Maine ­Mendoza. Ito ang pahayag ng aktor sa mediacon ng “Bagman” digital series na pinagbibidahan nito sa iWant.

Kahit obvious naman na sila na, ang sabi ni Arjo ay ‘exclusively dating’ pa rin sila ni Maine at doon lang daw muna.

Happy si Arjo sa kanyang career, sa kanyang family at ma­ging sa kanyang love life, kaya ang sabi niya ay surreal ang feeling at overwhelming. Very thankful daw siya na he’s so blessed.

Aside from his family, sa kanyang loved ones daw sini-share ni Arjo ang magagandang nangyayari sa kanya ngayon, kaya nasabi na niya kay Maine ang tungkol sa “Bagman” at very supportive daw ito at excited na ring manood nito.

Ayaw sabihin ni Arjo kung anong ginawa nila ni Maine sa Taiwan at kung anong birthday gift niya rito. Basta, nag-adventure daw sila roon at secret na lang ‘yung gift niya.

Ang sweet nu’ng linya ni Arjo na “worth fighting for” si Maine kaya deadma na lang siya sa bashers.

Doon sa isyung siya raw ang nagpabagsak o dahilan kaya nabuwag ang AlDub loveteam, ang kaswal na sagot ni Arjo ay hindi niya alam ‘yon at sa perso­nal side lang siya.

Sa tanong kung gusto niyang makatrabaho si Maine, ang sagot ng 28-anyos na Kapamilya actor ay “Of course, I’d love to!” at “Definitely!” pero hindi pa raw ngayon.

Puring-puri si Arjo ng co-stars niyang sina Raymond Bagatsing, Yayo Aguila, Alan Paule at Chanel Latorre, pati na ng series creator na si Direk Lino Cayetano at writer-director ng “Bagman” na si Shugo Praico.

Sa March 20 magsisimulang i-stream sa iWant ang first 6 episodes sa 12-episode series na ito ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment, na puwede raw ilaban sa gritty gangster drama ng Netflix na “Narcos.”
***

Ex-dyowa ni Gelli malaki ang kargada

Aminado si Gelli de Belen na naging come-on sa kanya ‘yung malalaswang dayalog sa pelikula nila ni Bayani Agbayani na “Pansamantagal” kaya niya ito tinanggap.

Ilang beses niyang binanggit ang salitang t*t* sa movie, pero marami pa raw kasing mangyayari sa movie, ‘yun lang talaga ang pambulaga para makuha ang atensyon ng audience.

Katwiran ni Gelli, kakaiba ito at hindi pa niya nagagawa, so gusto niyang i-challenge ang sarili niya kung paano niya sasabihin ang vulgar words na hindi malaswa at matter of factly lang ang delivery.

Meron bang words na hindi niya kinayang sabihin?

“Wala. Kilala mo ako, hindi naman ako ganu’ng klaseng tao. Hindi ko lang sinasabi sa TV o sa pelikula, kasi hindi dapat,” natatawang sagot sa amin ni Gelli.

Actually, medyo nagkaroon din daw siya ng re­servations sa utak niya na baka OA na ‘yung mga sinasabi niya sa movie. Pero in-overcome niya raw ‘yon bilang 45-anyos na siya, magpapa-sweet pa raw ba siya?

Ang sabi ni Direk Joven Tan ay 14 times binanggit ni Gelli ang salitang t*t* sa movie, na kinonfirm naman ni Gelli. May surprise daw na lalabas sa movie bilang ex-dyowa niya na malaki ang t*t*, na naging running joke sa istorya.

Natawa si Gelli nang sabihin naming ang hula ­namin ay ang mister niyang si Ariel Rivera ang ­surprise na sinasabi niya. Sey niya, hindi kasali si Ariel sa movie.

May eksenang tinanong ni Gelli si Bayani kung malaki ang ari nito. Mahilig ba sa ‘malalaki’ ang karak­ter ni Gelli sa pelikula?

“Basta! Basta, interesting ‘yung karakter ni Agnes, eh. Interesting ‘yung mga pinagdadaanan niya na pinagdadaanan ng maraming babae lalo na nowadays. Maraming nagdadaan sa gano’n, ayaw lang umamin.”

Bilang babae, importante ba sa kanya ang ‘size’ ng lalaki?

Medyo matagal nag-isip si Gelli bago kami sinagot ng, “Mababasa at mapapanood ito ng mga anak ko. Let’s just say… I have no comment! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa ng kikay na aktres.

Hello, matatanda na ang mga anak niya, noh! 20 na si Joaquin at 18 na si Julio Rivera, so maiintindihan na nila ‘yon.

“Naku, minsan nga nag-guest ako kay Boy (Abunda), may sinabi ako. Sabi niya, ‘Mom, don’t do that!’ ‘Bakit ba anak? Malaki ka na, ‘noh!’” tapos ay natawa ulit si Gelli, na hinatak na palayo sa amin dahil may lakad pa raw after the presscon.

Sa March 20 ang showing in cinemas nationwide ng “Pansamantagal” nina Gelli at Bayani, na kasama rin sina DJ Chacha, Perla Bautista, Ronnie Lazaro, John Vic de Guzman at Edgar Allan Guzman.