Abante Tonite Interactive

Arjo-Maine magpapakasal sa kuweba

844

Kung si Carlo Aquino ay sa tuktok ng bundok ang gustong kasal sa nobya nitong si Trina Candaza, si Arjo Atayde kaya ay anong naiisip na idea sa wedding nila ni Maine Mendoza?

“Baka sa kuweba naman po kami, kuweba naman! Ha! Ha! Ha! Para doon si Carlo sa taas!” natatawang sagot sa amin ni Arjo.

Mahilig ba siya sa mga kuweba-kuweba?

“Hindi po. We’ll see, we’ll see.”

So, anong idea niya for his wedding? Church lang ba na traditional, gano’n?

“Gusto ko po, church by a hill or parang sa dulong cliff. I think that would be anyone’s wedding dream, ‘di ba? Imagine-in mo, may view ka, ‘di ba?”

Okey, so puwedeng soon na ba magaganap ‘yon?

“Basta po, basta po,” natatawang pakli ng Kapamilya actor at Beautéderm ambassador.

29 years old na siya. Marrying age na ‘yon, ‘di ba?

“Soon, soon. Let’s see. Soon. Tingnan po natin,” naka-smile pa ring sagot sa amin ni Arjo, na plano raw gawan ng movie ang nobyang si Maine na siya mismo ang magsusulat ng script at magpo-produce.

Katulad ni Carlo ay si Arjo din ang brand ambassador ng Spruce & Dash men’s line ng Beautéderm na Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Brawn Anti-perspirant White Spray (for foot & underarms) at Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask.

Mommy Divine magge-gatecrash

AshMatt lihim ang paghahanda sa mga kaibigan

“The best days of our lives” ang description ni Matteo Guidicelli sa mga nakaraang araw mula nang maikasal sila ng kanyang girlfriend of 6 years na si Sarah Geronimo.

Bukod sa napaka-sweet niyang post kahapon sa IG na nagtu-toast sila ni Sarah ng champagne bilang Mr. & Mrs. Guidicelli, nainterbyu si Matty sa isang endorsement presscon at sinabi niyang, “We are blessed. Everything is the same. But this time I have someone next to me all the time. Everything is better.”

Na-ambush interview rin si Matteo ng “TV Patrol” at nakunan ng pic na masaya nitong hawak ang kanyang celfone at makikita ang wedding ring na suot nito.

Kahit nagpapa-interview ay very private pa rin si Matteo pagdating sa kanyang personal life at hindi niya sinu-showbiz ang relasyon nila ni Sarah.

Ang dinig namin ay malapit nang maganap ‘yung belated private reception para sa malalapit na kaibigan ng AshMatt, bilang ang pamilya lang ni Matteo ang present doon sa secret Christian wedding na naganap nu’ng 02.20.20 sa Victory Church The Fort.

Lihim na lihim daw ito at pinapirma pa raw ng NDA (non-disclosure agreement) pati ang suppliers at iba pang involved sa strictly invitational event.

Excited nang um-attend dito ang close friends ng couple, na ang iba ay nagpagawa pa raw ng isusuot na ayon sa color motif.

Naalala tuloy namin ang secret church wedding noon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na right after ay nagkaroon din ng big reception para sa mga friends nila from showbiz kabilang na ang entertainment press.

Siguro naman ay hindi na susugod dito ang madir ni Sarah na si Mommy Divine tulad ng ginawa nito sa intimate reception after ng hush-hush wedding ng AshMatt.

Actually, hindi pala wedding crasher ang peg ni Mommy Divine kundi reception crasher dahil tapos na ang kasal nang dumating siya at gumawa ng eksena sa isang resto sa Shangri-La The Fort.

Wala naman na sigurong sequel ang pag-eeskandalong ‘yon ni Mommy D, although hindi kami magtataka kung matunugan ulit niya (at ni Tito Ricky Lo) ang nasabing private event ng AshMatt.

‘Pag muling nag-gatecrash at nagwala roon ang kontrobersyal na ina ni Sarah ay malamang tagurian na itong The Divine Contravida!

Kalerky, ‘di ba? Villain na villain ang peg sa isang beautiful love story.

At any rate ay kita mong nakahinga na talaga nang maluwag ngayon sina Matteo at Sarah dahil legal na ang kanilang pagiging mag-asawa.

But of course, inaabangan pa rin ng lahat ang big church wedding ng dalawa dahil pangarap makita lalo na ng AshMatt fan si Sarah na naka-wedding gown habang naglalakad sa altar.

PAK!!