Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo na-COVID sa Baguio, tumakas

0 254

Nagpositibo sa coronavirus ang aktor na si Arjo Atayde at siyam pang kasama nitong artista na nag-shooting sa Baguio City.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong sa isang panayam sa Regional News Group, iimbestigahan umano nila ang posibleng paglabag sa protocol at hindi pagsunod ng crew ni Atayde sa mga alituntunin ng kanilang “taping bubble”.

“They committed to us na magkakaroon sila ng bubble pero hindi nangyari. Tapos ‘yung monthly na testing commitment nila, hindi nila nagawa. So ito ‘yung nangyari ngayon,” saad ni Magalong.

“Ten people dun sa grupo nila out of 100 ang nag-positive,” dagdag niya.

Ani Magalong, agad umuwi si Atayde bago lumabas ang resulta ng kanyang swab test.

“Positive siya (Atayde) kaya lang bigla siyang umalis kahapon without our knowledge. Claiming na siya lang daw ang symptomatic at ‘yung mga kasama niyang asymptomatic ay iniwanan na lang siya at binaba siya sa Manila,” aniya. “May mga potential na puwede siyang maka-infect ng iba dahil dun sa ginawa niya,” dagdag ni Magalong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, nasa isolation na umano ang siyam na nagpositibo rin sa COVID-19 na kasama ni Atayde habang binabantayan sa isang hotel ang 90 na staff para hindi makatakas.

Bunsod nito, hindi muna papayagan ang anumang shooting sa lungsod.

Ayon naman sa kampo ni Arjo kailangan niyang magpaospital dahil walang pasilidad sa Baguio.

“He needed to go to a hospital that could handle his symptoms kasi walang facility sa Baguio na kaya siya i-handle,” ayon pa sa malapit sa actor.

Humingi rin ito ng panalangin para sa agarang paggaling ni Arjo at mga kasama. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.