Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo napaiyak kay Maine

0 117

Hindi inaasahan ni Arjo Atayde na may video greetings sa kanya ang girlfriend na si Maine Mendoza sa pagre-renew niya ng kontrata sa ABS-CBN last Friday.

Bigla na lang ipinakita sa contract signing ang video greetings ni Maine na labis na ikinagulat and at the same time ay ikinatuwa ni Arjo.

Nang matapos ang video ay nakangiting wika ni Arjo, “unexpeted ‘yun, ah.”

Nagpasalamat siya kay Maine, gayundin sa ABS-CBN at dito na naging emosyonal si Arjo.

“Thank you, thank you. First of all, they allowed me to make Maine’s birthday special,” sey ni Arjo na obviously, ang tinutukoy ay ang guesting niya sa Daddy’s Gurl na birthday gift niya sa girlfriend.

“And happy to be home,” naiiyak niyang dagdag.

Sinabi rin ni Arjo na mananatili siyang Kapamilya forever anuman ang mangyari.

Kitklat unfair na tsinugi ng Net 25

Para kay Kitkat, unfair ang pagkakatanggal sa kanya sa noontime show na Happy Time ng Net 25. Sa kanyang social media accounts naglabas ng kanyang hinaing ang komedyana sa mga nangyari na nag-ugat nga sa hidwaan nila ng co-host na si Janno Gibbs.

Ayon kay Kitkat, ito na raw ang ang huling pagsasalita niya sa issue at pagkatapos nito ay move on na siya.

“Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako. Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.

“Opo, inaamin ko yung pinakauna kong statement ryt after ng nangyari ang lahat na ipina-delete din agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan.

“Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob. Pero wala akong sinabi na hindi totoo,” ang simula ni Kitkat.

Aniya, hindi raw niya naiintindihan ang pagkakatanggal niya sa ‘Happy Time’.

“Natanggal ako sa afternoon show namin, sa dahilang di ko naiintindihan. Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay. Naiintindihan ko naman,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga sumunod niyang statement ay obvious na naka-address na kay Janno.

“Provoked? We were playing games, of course, ‘asaran’ is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at yung magwawala ka were not part of the game…

“Play. Naglalaro tayo, Naglalaro. Napikon ka. Yan ang nangyari… Ako ang dapat napikon, pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.

“Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya.

“Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.

“Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked’? Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?

“Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa yo yan.

“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong Napatawad na rin kita,” ang mahabang mensahe ni Kitkat kay Janno.

Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Kitkat sa management ng Net 25 at sinabing unfair ang pagkakatsugi sa kanya.

“Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo. Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan..

“But the decision to take me out wasn’t fair but I will take it. You should’ve just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already.

“Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.

“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth. Salamat po sa lahat, Net25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga nakatrabaho ko. Mahal ko po kayo with so much Respect…

“Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat. This is the LAST time I am going to talk about this. Maraming Salamat Po,” ang saad ni Kitkat.

The latest we heard, pati si Janno ay tinanggal na rin sa noontime show. We guess, moral lesson na rin ito sa kanilang dalawa na huwag pairalin ang sariling emosyon especially kapag nasa live show and be professional at all times.

Leave A Reply

Your email address will not be published.