Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo pinaliguan ni Enchong

0 124

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang natuwa sa naging kulitan nina Enchong Dee at Arjo Atayde sa vlog ng chinito actor.

Sumailalim kasi ang dalawa sa “Tabo ng Ina Mo” challenge.

Sa hamon, kailangan nilang maglaro ng card game kung saan ang makakapuntos ng mataas na card ang may pagkakataong basain ang dehado.

Sa challenge, binasa nila ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig gamit ang tabo mula sa balde.

Nakaiskor si Enchong kay Arjo nang paliguan niya ito ng tubig, pero nagpasintabi naman ito sa ina ng aktor na si Sylvia Sanchez bago gawin ito.

Umigting pa ang challenge nang lagyan ng yelo ang baldeng may tubig.

Sa bandang huli ay nakahabol si Arjo at naka-iskor din kay Enchong.

Kapuwa nanginginig sa ginaw ang dalawa nang mabuhusan ng tubig na may yelo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.