Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo pinayagan bumalik sa Baguio

0 119

Namagitan na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino-Seguerra sa naging problema sa pagitan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Filmmaking Productions, Inc ni Arjo Atayde.

Si Chair Liza ang nangangasiwa sa mga polisiya tungkol sa safety protocol concerning sa movie at audiovisual industry.

Matatandaang nag-shooting ang grupo ni Arjo sa Baguio City hanggang sa mag-positibo nga sa COVID-19 ang aktor at 9 na kasamahan.

Ayon kay Mayor Magalong ay may mga nalabag daw na health protocols ang grupo ni Arjo partikular nga ang bigla raw pag-alis ng aktor sa Baguio matapos itong mag-positibo.

Sa official statement na inilabas ni Liza sa kanyang Facebook page kahapon ay nakasaad na nag-reach out siya mismo kay Mayor Magalong para pag-usapan ang mga concerned issues.

Ayon pa kay Liza ay nagkakausap naman daw ang magkabilang panig at na-settle na ang issues. Nakasaad din na naintindihan naman daw ni Mayor Magalong ang naging aksyon ng pamilya ni Arjo na isugod sa hospital sa Maynila ang aktor.

Sa huli ay inanunsyo ni Chair Liza ang magandang balita na bukas na ulit ang Baguio City sa production shoots as long as may maayos na koordinasyon at makakasunod sa health protocols ang mga ito.

Pinapayagan na rin ni Magalong na bumalik ng Baguio ang grupo ni Arjo para tapusin ang shooting.

Narito ang buong nilalaman ng official statement ni Chair Liza:

“As FDCP has been informed of the incident with the Feelmaking Productions, Inc in Baguio City, I personally reached out to Mayor Benjie Magalong to discuss the details and how we can help address the concerns.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mayor Magalong informed me himself that the Feelmaking Productions, Inc team has been closely coordinating with the City of Baguio already through producer Ellen Criste and that matters have been settled.

“As regards to the case of Mister Arjo Atayde, the Mayor acknowledged the actions of his family to rush him to the hospital. Any worried parent would react the same but at the same time, he reiterated the importance of compliance to the protocols set by the government to ensure the safety of the community.

“He also emphasized that while Baguio has been accommodating to film shoots, restrictions are in place to keep everyone safe and that must be strictly followed.

“This was a lesson learned for everyone and that while there may be lapses, it’s important to take accountability and it’s good that the production is coordinating closely with the City.

“Finally, and for me, isang napakagandang balita para sa ating sektor, Mayor Magalong asked me to share with the film sector that Baguio is still open to production shoots and that filming is welcome as long as coordinated properly with relevant agencies like FDCP and DOLE and most importantly, the City of Baguio.

“He also said that should the Feelmaking production team choose to finish their production in Baguio, they may still do as long as details are coordinated with the City and compliance to protocols will be strictly observed.

“We hope that this addresses all matters related to the incident. Let’s all wish for Arjo’s fast recovery as he is still in the hospital being treated for covid-19.

“P.S. As of today, August 21, productions shoots are allowed under MECQ conditions as per DOLE-DTI-DOH JAO at 50 pax maximum per day.

Let’s all practice SAFE FILMING!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.