Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo production pasaway sa Baguio protocol

0 200

Banned muna ngayon ang anumang shooting ng pelikula sa Baguio City matapos magpositibo si Arjo Atayde at 9 pang mga kasamahan habang nagsu-shooting ng pelikula sa naturang siyudad.

Ito ang ipinahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kanyang pinakahuling interbyu.

“At this time eh talagang maghihigpit na kami. Maganda naman ang intention is nagsu-shooting sila rito because they would like to promote itong city pero meron namang mga commitment ‘yan,” giit ng alkalde.

“Nag-usap kami and there should be commitments, kailangan nilang i-deliver ang kanilang commitments,” dagdag ni Magalong.

Matatandang dalawang buwang nag-shooting ang grupo ni Arjo sa Baguio ng pelikula na pino-produce ng aktor sa ilalim ng kanyang Feelmaking Productions, Inc.

Nitong nakaraang Martes ay nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19 ang 10 katao sa produksyon kabilang ang aktor.

Dinala sa ospital si Arjo sa Manila dahil nakaramdaman siya ng sintomas habang ang 9 niyang kasamahan ay asymptomatic.

Pero may bago umanong nilabag na alintuntunin sa Baguio City ang grupo ni Arjo nang lumabas ang mga ito sa siyudad noong Agosto 18 ng gabi.

Ayon sa executive assistant ng Baguio City Mayor’s Office na si Atty. Althea Alberto sa ulat ng TV Patrol kagabi ay may napagkasunduan sila ng kampo ni Atayde.

“Our agreement was that they would send 6 patient transport vehicles last night. Unfortunately, additional vehicles joined the convoy without our prior notice,” bulalas ng tauhan ni Magalong.

Bukod dito ay lumabag umano ang film outfit ng actor dahil nag-overnight sa lungsod ang ilang sasakyang susundo sa ilang crew gayung “pick and go” lang daw ang kanilang usapan.

“As a result of these recent events, all filming activities in the city have been halted while we review the compliance of all production crews in Baguio,” pahayag pa ni Althea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.