Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arjo tameme sa pekeng sex scandal ni Maine

0 201

NI: ARCHIE LIAO

Tahimik si Arjo Atayde sa kumalat na pekeng sex video scandal ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

Hinahanap ng ilang netizens na ipagtanggol ng award-winning actor ang kanyang nobya sa kinakaharap nitong isyu.

Depensa naman ng ilang followers nila, hindi raw naman kapatul-patol ang nasabing isyu dahil hindi raw naman totoo ang nabanggit na video.

Katunayan, kahit na look-alike, malayong-malayo raw ito sa physical features ng Dabarkads at Eat Bulaga host.

Kamakailan lang idinenay ni Maine na siya ang naturang kontrobersyal na video.

Pati ang kanyang ina ay umalma na peke ang viral video na kumalat sa socmed.

Humingi naman ng tulong ang talent management agency sa NBI para matunton at ma-prosecute ang nagpakalat ng video in question.

Nitong Disyembre, nagdiwang ng kanilang second year anniversary ang magdyowang Maine at Arjo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.