Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arkitekto nahati katawan sa trak

0 120

Dedbol ang isang lalaking arkitekto matapos madulas sa kalsada ang sinasakyan niyang motorsiklo at diretsong masagasaan ng kasalubong na trak, Miyerkoles ng gabi, sa Legazpi City, Albay.

Halos mahati sa dalawa ang katawan ng biktimang nakilalang si Ronnie Bataller Basilla, nasa hustong gulang at residente ng Bacacay, Albay.

Himas-rehas naman ang drayber ng trak na nakilalang si Carlo Bañadera, 29-anyos, residente ng Budiao, Daraga, Albay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng P6 Brgy. Arimbay, Legazpi City.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay habang kasalungat ang tinatahak ng trak na may plakang NGT 2581 na minamaneho ng suspek.

Lumalabas na dahil sa bahagyang maulan noong oras na iyon ay nadulas ang motorsiklo ng biktima sa kalsada dahilan upang dumiretso ito sa kabilang linya at eksaktong papasalubong ang trak at natumbok ang arkitekto.

Huli na nang makapagpreno si Bañadera at pumailalim na ang katawan ng biktima sa gulong dahilan ng halos pagkahati ng katawan nito at agarang pagkamatay.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang truck driver na ngayon ay nakakulong sa Legazpi City Police Station. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.