Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Armas panggiyera narekober sa Maguindanao

0 178

NAREKOBER ng mga sundalo ang ilang matataas na kalibre ng baril at ilang “war materials” mula sa pakikipag-engkuwentro sa mga rebeldeng grupo sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao.

Sinabi ni Western Mindanao Command chief Lieutenant General Corleto Vinluan Jr. na nagsasagawa ang mga tropa ng mga militar mula sa 40th Infantry Battalion ng combat patrol nang makatiyempo ng ilang armadong mga lalaki na pinamumunuan ng isang Mac4 sa Barangay Bulod.

Doon na sumiklab ang palitan ng putok na tumagal ng limang minuto.

Sa clearings operations, nakarekober ang mga sundalo ng rocket-propelled grenade, tig-iisa na barret, M79, M14, dalawang M16, apat na 7.62mm AR16, isang pistol at submachinegun 9mm M10, at iba pang mga armas. (Kiko Kueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.