Abante Tonite Interactive

Armida na-cremate na

346

tonite-pak-allan-diones

 

Na-cremate na ang mga labi ng yumaong vete­ran actress-singer-producer at champion of the arts na si Ms. Armida Ponce Enrile Siguion-Reyna.

Nagkaroon muna ng viewing ang pamilya at ng short Christian/Catholic blessing bago isinagawa ang cremation sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque nu’ng Lunes nang gabi.

Pag-aari ng pamilya ni Tita Midz ang Manila Memorial Park, pero ang burol niya ay sa rooms 9 & 10 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City, na nagsimula kahapon nang tanghali.

Hanggang sa Biyernes, February 5, 11:00 PM, ang memorial service para kay Tita Midz sa Heritage.

Ang hiling ng kanyang pamilya sa mga makikiramay ay, “Bring your thoughts, prayers and fondest memories of Armida.”
Nagluluksa ang industriya sa pagkawala ng isang dakilang alagad ng sining, na pumanaw dahil sa komplikasyon sa sakit na colon cancer sa edad na 88.

Sa social media ay nagkalat ang mga pagpupugay at mga personal na tribute ng iba’t ibang artista at industry worker sa nirerespetong showbiz veteran.

“Mahal” ang tawag kay Tita Midz ng kanyang pamil­ya. Kilala siya sa pagiging matapang, mataray at istrikta pero labis-labis din siya kung magmahal.

***

Ghost singer ‘di ubra sa direktor

Mahuhusgahan na kung papatok ang tandem nina Kyline Alcantara at Therese Malvar dahil nagsimula kahapon ang Kapuso afternoon soap nila na “Inagaw na Bituin.”

Excited na pareho ang dalawang talented bagets dahil first time nilang magbibida sa sarili nilang drama series at may kanta-kantahan pa.

Nilinaw ni Direk Mark Reyes na hindi musical series ang “Inagaw na Bituin” kundi isang drama series with music.

Ang bilis ng pag-level up ng 16-anyos na si Kyline, na mula nang mapansin bilang kontrabida ni Bianca Umali sa “Kambal Karibal,” ngayon ay bida na si Kyline at tatlo na ang mga show sa GMA (bukod sa soap ay meron pa siyang “Studio 7” at “Sunday PinaSaya”).

Naiiyak naman sa tuwa ang 18-anyos na si Therese dahil kahit marami na siyang natanggap na mga acting award sa mga indie film, ngayon lang dumating ang biggest break niya sa TV.

Ang suwerte nina Kyline at Therese dahil suportado sila ng magagaling na artista. Mga Batang ‘90s ang tawag kina Angelu de Leon, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann at Sunshine Dizon na pawang nasa cast ng “Inagaw na Bituin.”

Excited ang mga ito dahil pinagsama-sama raw ang lakas at tibay nila sa show. Sey nina Sunshine at Angelu, anything can happen sa ganitong klase ng cast. Biro nila, kahit tumambling o kumain ng buhay na manok ang ipagawa sa kanila ay kaya nila.

Bago raw ito para kay Sunshine dahil singer siya rito at pinakanta siya. Kinarir niya raw ang song numbers niya dahil ayaw pumayag ni Direk Mark na may ghost singer.

Ang “Inagaw na Bituin” ang pumalit sa nagtapos na “Ika-5 Utos” sa GMA Afternoon Prime