Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Army chief kumbinsidong kalaboso 9 pulis sa rubout

0 319

Naniniwala si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Gilbert Gapay na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalong pinagbabaril ng siyam na pulis sa Jolo, Sulu.

Ito’y matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kasong murder at pagtatanim ng ebidensiya laban sa siyam na pulis.

Para kay Gapay, magandang balita ito hindi lamang para sa kasundaluhan kundi maging sa mga pamilya ng apat na pinatay na sundalo at patunay na pinakikinggan ang kanilang mga panawagan para sa hustisya.

Kumbinsido si Gapay na mahahatulan ang mga pulis na sangkot sa insidente dahil sa ginawa aniyang karumal-dumal na krimen.

Samantala, sa pahayag naman ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, sinabi nito na kasuhan at parusahan ang sinomang may kinalaman sa krimen.

“The Philippine National Police stands by the truth and will continue to be in the forefront of upholding justice for all,” ani Banac.

Ipinahayag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natapos na ang pinangakong imbestigasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at isinampa na ang kaso.

“Ngayon naman ang pangako ng Pangulo patas na pagdinig sa kaso, mabibigyan ng katarungan `yong mga namatay at napaparusahan ang mga nagkasala. `Yan ang pangako ng Presidente,” sabi ni Roque. (Edwin Balasa/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.