Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Army detachment pinasabog, 7 nadale

0 159

Patay ang dalawa katao habang lima pa ang sugatan matapos ang pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) ng pinaniniwalaang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa harapan ng detachment ng Philippine Army, Sabado ng gabi sa Barangay Del Carmen, Uson, Masbate.

Sa spot report na ipinadala ni Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, kinilala ang ilan sa mga biktima na sina Michael Trangia y Maglasang, 34, Cafgu member; Carmelita Yanson, Jerry Boy Gestingor, Vevincia Yanson, Marjun Mangubat at Nonoy Rondina, pawang residente ng nasabing lugar.

Dinala ang mga biktima sa Masbate Provincial Hospital matapos magtamo ng mga shrapnels sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Ayon sa pulisya, dalawa sa kanila ang nasawi subalit hindi pa malinaw kung sino.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Uson Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente alas-9:40 ng gabi habang naka-duty ang Cafgu na si Trangia sa nasabing detachment sa Barangay Del Carmen.

SM food to go Banner Ad

Isang malakas na pagsabog ang yumanig may 50 metro mula sa posisyon nito dahilan upang mahagip ng shrapnel ang kanang hita nito.

Nadamay din ang mga sibilyan na eksaktong papadaan lulan ng kani-kanilang mga motorsiklo.

Ayon sa pulisya ang pagpapasabog ay pinaniniwalaang gawa ng NPA na tinaon nila sa Labor Day.

Patuloy ang post blast investigation upang malaman kung anong bomba ang ginamit at posibleng pagdakip sa mga salarin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.