Abante Tonite Interactive

Army officer todas sa NPA

396

Patay ang isang opisyal ng Philippine Army (PA) matapos ang naganap na engkwentro kontra mga miyemro ng New People’s Army (NPA) kahapon nang umaga sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Sa ngayon ay hindi muna pina­ngalanan ang nasawing biktima na may ranggong 2nd lieutenant, matapos ang engkwentro sa mabundok na bahagi ng Brgy. Malaya ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-8:00 nang umaga nang maganap ang engkwentro ng mga sundalo at pulis kontra sa hindi pa batid na bilang ng mga rebelde sa lugar.

Tumagal ng halos 30 minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng opisyal.

Base pa rin sa ulat, marami din ang sugatan sa mga rebelde na dinala ng kanilang mga kasamahan sa kanilang pagtakas.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang paghabol ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na mga rebelde. (Edwin Balasa)

a