Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Army reservist balik-selda

0 343

Muling nakulong ang Army reservist na mula sa New Washington, Aklan nitong Huwebes ng umaga nang masamsam mula sa kanya ang hindi lisensiyadong baril.

Sa pamamagitan ng warrant, hinalughog ang bahay ni John Arboleda sa Barangay Guinbaliwan kung saan nakuha ang isang revolver, isang pistol, at mga bala.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginawa ng mga operatiba ang operasyon kasunod ng natanggap nilang report na madalas na may dalang baril ang reservist at nagpapaputok pa sa lugar.

Napag-alaman na dati na siyang pinosasan dahil din sa pagmamay-ari ng mga hindi lisensiyadong baril pero nakalaya rin siya kalaunan.

Sa ngayon, si Arboleda ay hawak na ng New Washington police at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.