Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Army sumaklolo para sa national ID

0 45

NAIHATID na ng Philippine Army ang mga national registrations kits na gagamitin ng pamahalaan sa pagpaparehistro sa national ID.

Dala ng Philippine Navy (PN) landing craft BRP Ivatan (LC298) mula sa Sangley Point, Cavite City at nailapag ang mga National Identification System (PhilSys) registration kits sa Visayas region.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Cdr. Paul Anthony Yamamoto na may 35,481 na tonelada silang dala kabilang ang 1,897 PhilSys registration kits na ipamimigay saw along probinsya sa Cebu, Bohol, Iloilo, Antique, Capiz, Negros Oriental, Negros Occidental, at Leyte.

Itoy alinsunod sa logistics support ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa National Economic Development Authority (NEDA) at sa Philippine Statistics Authority (PSA) gamit ang sea, air, at land assets. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.