Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arnell, Keanna suportado si Mary Ann sa reklamo kay Leo Marcos

0 788

Sa imbitasyon ng kaibigang Pilar Mateo, pinakinggan namin ang hinaing at reklamo ng negosyanteng si Mary Ann Faustino Victori.

Plano rin niyang ilapit ang problemang ito kay Raffy Tulfo para maaksyunan.Gusto niya ay direktang makapasumbong kay Tulfo.

Nagsilbing host sa nasabing press tsikahan sina Arnell Ignacio at Keanna Reeves. Sumuporta sila sa pinagdadanan ni Mary Ann.

May hinahabol siya umano sa tinaguriang “Pandemic Hero” na si Francis Leo Marcos na sa kasalukuyan ay nakakulong .

Paano sila nagkakilala ni Leo?

“Isa ako sa kumasa sa “Mayaman Challenge” niya. Noong una ay nag-donate ako ng 100 sakong bigas, donation ko yun,” pakli niya.

May pinahiram umano siyang datung na hindi na donasyon. Noong una ay nakapagbayad naman daw si FLM. Binigay sa kanya ang sahod nito sa YouTube Channel. Pero, hindi pa raw na-settle ng buo.

“Kaya ako nagsasalita dahil binabaliktad nila ako, na ako raw ay may utang sa kanya ng P12M. Ganyan ang style ng mga humahawak ng social media niya.Grabe sila at tinatawag pa nila akong lawlaw, gusgusin , etc.,” himutok niya.

If ever na hihingi ng public apology sa kanya si Leo ay hindi raw niya ito papatawarin. “Itutuloy ko ang laban na ito hanggang sa kataas-taasan,” hirit ni Mary Ann.

Bukas ang panig ni Francis Leo Marcos sa Tonite para sa ikalilinaw ng isyung ito.

Samantala, makulay at kontrobersyal ang buhay ni Victori. Tinanong namin siya na kung ipi-feature sa MMK at Magpakailanman ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap ?

“Si Karla Estrada,”pakli niya.

“Diyos ko, maghahanap pa ba tayo e pareho kami ni Karla na malusog at magaling siyang artista,” sambit pa ni Madam Mary Ann. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.