Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arnell palpak ang talak kay Jennylyn

0 1,518

Of all people, si Arnell Ignacio pa talaga ang nagsabi na “wag n’yong pasukin ang hindi ninyo linya” kay Jennylyn Mercado hinggil sa simpleng tanong ng aktres kung saan napunta ang perang inutang ng gobyerno.

Mukhang nakalimutan ni Arnelli na artista rin siya na pinasok ang linya ng politika. He tried his luck nang tumakbo siyang konsehal twice but lost on both occasions. Bigla na lang siyang naging public servant nang i-appoint siya ni Pangulong Digong bilang AVP for Community Relation and Services Department ng PAGCOR noong 2016 at pagkatapos ay Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong 2018.

Ang sabi pa ni Arnelli “do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.”

We beg to disagree at siguro, si Arnell muna ang dapat mag-aral bago magsalita. Walang ginagawang masama sa mamamayan ang mga celebrities na ito para mawasak ang career nila. Mas tama pang sabihin na mawawasak ang career ng mga politiko na hindi nagtatrabaho nang maayos dahil hindi na sila iboboto sa susunod na eleksyon.

May karapatan ang mga artista na ito na magbigay ng kanilang pahayag sa mga political issues, mas may karapatan pa nga sila actually dahil public figures sila at pwede nilang gamitin ang kanilang boses talaga para kuwestiyonin ang mga nakikita nilang sa palagay nila ay mali.

Payo lang din kay Arnelli, ‘wag mo nang iligaw ang issue sa pamamagitan ng pag-atake sa mga artista. Sagutin mo na lang at linawin ang mga banat sa gobyerno bilang isa ka namang supporter ng administrasyon. Mas nakikitang wala ka ring alam dahil sa maling pagtalak mo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.