Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arnell pasabog sa ‘Sama Na, Census Na’

0 433

NI: ROLDAN CASTRO

Magsisilbing host ang dating Overseas Worker’s Welfare Administration Former Deputy Administrator na si Arnell Ignacio ang host ng “Sama Na, Census Na”, isang three-part series na magbibigay sa atin ng detalyadong impormasyon sa 2020 Census of Population and Housing (CPH) at ng Philippine Statistics Authority.

Ito ay mapapanood na ngayong Linggo, August 16 mula 11 ng umaga hanggang 12 ng hapon sa PTV-4.

Sa episode na ito, makakasama ni Arnell si National Statistician at Civil Registrar General Dennis S. Mapa, Ph. D at OIC National Deputy Statistician Minerva Eloisa P. Esquivias .Tatalakayin nila ang tungkol sa nasabing ahensya, at mahahalagang impormasyon tungkol sa paparating na 2020 Census of Population and Housing na magsisimula na sa Setyembre 1, 2020.

Pag-uusapan din nila ang kahalagahan ng census na ito sa gobyerno – sa paggawa ng mga batas at polisiya at pati na rin para sa mga negosyo.

Bubusisiin din sa episode na ito ang tama at maingat na pagsunod sa mga protocol patungkol sa pandemya. Malalaman din ng ating mga mamamayan sa show na ito ang iba’t-ibang paraan ng pagsagot sa census tulad ng Self-Administered Questionnaire (SAQ), Paper-Assisted Telephone Interview (PATI) at pagsagot sa PSA website o di kaya ay ang Computer-Assisted Web Interview (CATI), kung hindi komportable ang respondent na sumagot sa mga enumerator sa kanilang tahanan.

Sa pilot o pinakaunang episode ay ipi-feature ang 2020 CPH infomercial ni Popstar Princess Sarah Geronimo.Pati na rin ang Dance Video na sinayaw ng PSA Central Office at Field Office Dancers mula Luzon, Visayas at Mindanao, na ngayon ay isang dance craze na ng iba’t-ibang social media personalities at influencers Gumawa na rin sila ng sarili nilang version sa nasabing dance video.

Kasama sa mga personalities na ito ay sina DJ Loonyo, na nag-trend sa Twitter nang mag-post siyaa ng kanyang version, ang comedian at ngayon ay GMA-7 talent na si Kiray Celis at ang former Sexbomb original member, Jopay Paguia-Zamora kasama ang kanyang asawa na si Joshua Zamora ng Manoeuvres.

Ang 2020 CPH Jingle ay kinompose ng taga-PSA na si Flor Varona .Si Roger Esquivias III naman ang gumawa ng areglo at pinerform ng PSA WeIRD Band.

Manood na ngayong Linggo sa “Sama Na, Census Na!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.