Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arnell tumalak sa baklang komedyante

0 242

NI: BETH GELENA

Nag-react si Arnell Ignacio hinggil sa pahayag ni Vice Ganda na wala na raw silang hinahabol na prangkisa.

Ang akusa kasi ng ibang mga netizen kaya raw naka-support ang halos lahat ng ABS-CBN ay para mabigyan agad sila ng prangkisa once

na ang sinuportahan nila ang mananalong presidente.

Hindi naman pumabor ang komedyanteng aktor na si Arnell. May mali raw si Vice sa kanyang sinabi.

“Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise at yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay ‘yung frequency.”

Sambit pa niya, puwedeng-puwede pa raw talaga nilang i-apply muli ang prangkisa.

“So, itong pagbibigay ninyo ng suporta eh puwede talagang maidugtong dun dahil kung saka-sakaling papabor ‘yung susunod na administrasyon, the network will be resurrected eh talagang it will go through the process. Pero hindi imposibleng ito na ay ma-grant,” paglilinaw ng TV-host comedian actor.

“Next, the NTC, mayroong ina-assign na frequency para diyan sa mabibigyan ng prangkisa na mag-operate ng network. You need this frequency, ito yung channel, so you cannot go back to the previous channel that you were using before.

“If the administration that you supported favors the resurrection of the network, hindi ito magiging as challenging as before. Okay? But then, of course, you will always keep in mind that ang prangkisa ay ina-apply sa Congress. Ang frequency ay ina-assign ng National Telecommunications Commission. Yun ‘yon. Okay?

“So, parang ang ating palitan, ang iyong inihahain na argumento at depensa ay base sa mas sound na basehan. Anyway, pero ang inyong karapatan kung sino ang inyong susuportahan, e, ‘yan ay hindi nangangailangan ng franchise,” paglalahad pa ng TV host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.