Abante Tonite Interactive

Aro, Munoz eeksena sa 43rd TOPS Forum

0 169

Makakasama sa 43rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes ang kilalang nutrionist/dietician na si Jeaneth Aro na gaganapin sa National Press Club.

Kilala si Aro bilang nutrionist/dietician nina Rio Olympian Hidilyn Diaz, boxing champion Jerwin Ancajas at PBA team Talk ‘N Text.

Ibabahagi ni Aro ang kahalagahan ng proper nutrition at diet para sa mga Filipino athlete na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa darating na Nov. 30-Dec. 11.

Si Aro, BS Nutrition graduate ng University of the Philippines-Dliiman, rin ang nutrition coach ni Meggie Ochoa, ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), La Salle Greenhills swimming team, UST taekwondo team at Nutrifit Philippines.

Makakasama rin sa weekly session handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabno Tea Leaf Drinks si Pepe Muñoz, secretary-general ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA), na tatalakayin ang tsansa ng koponan sa Asian Baseball Championship na gaganapin sa Oct. 14 sa Taiwan.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members ng TOPS, na dumalo sa session na mapapanood rin sa Facebook live via Glitter Livestream. (Janiel Abby Toralba)