Abante Tonite Interactive

Arocha, Lady Chiefs reresbakan ang Lady Altas

214

Nangako si Arellano University Lady Chiefs ve­teran spiker Regine Arocha na babawi sila sa kabiguang nalasap sa Game 1 ng Finals kontra University of Perpetual Help System Dalta noong nagdaang Biyernes, Peb. 1

Binaggit ito ng open spiker sa post-game interview tapos tumaob ang AU sa UPHSD, 21-25, 25-17, 25-21, 25-20.

“Kapag ginusto naman po walang imposible. So, ayun pagtatrabahuan po namin sa ensayo namin. Babawi po kami,” giit ni Arocha.

“Siguro kailangan munang pumasok sa isip na­ming lahat. Ito na championship na ‘to, hindi lang ito basta laro eh. Kailangang ilabas namin lahat kasi hindi po kami mananalo kung hindi kami magtutulungan.”

Ngayon ang Game 2 ng Finals sa pagitan ng da­lawang tropa at pupuntiryahin ng Perpetual na masungkit ang titulo habang target naman ng Arellano na mahatak sa winner-take-all Game 3 ang serye.