Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arrest warrant buking pagkuha ng police clearance

0 152

KUKUHA sana ng police clearance pero timbog ang isang lalaki sa Sta. Crus, Ilocos Sur matapos matuklasang may standing arrest warrant sa ibang probinsya.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station (STMPS) ang suspek na si Job S. Riel, may-asawa, ng Barangay Casilaga, Sta. Cruz ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng SCMPS, nagpunta ang suspek sa presinto para kumuha ng police clearance.

SM food to go Banner Ad

Habang pinoproseso ang aplikasyon, nakita ng mga pulis sa record ni Reil na mayroon siyang standing arrest warrant sa Daet, Camarines Norte (RTC), Branch 38 noon pang November 23, 2016 sa kasong frustrated murder.

Imbes na police clearance ang ibigay sa suspek, agad siyang pinosasan at ikinulong sa SCMPS jail. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.