Arron nagbebenta ng kotse

NI: ROMMEL PLACENTE
NAGBEBENTA ng dalawang high-end car si Arron Villaflor na pinost niya sa kanyang Facebook account.
Sa mga nakakita, inisip ng iba na naghihirap na ang not-so-young actor dahil wala siyang work ngayon sanhi ng pandemic . Nagsara rin ang kanyang mother network na ABS-CBN 2.
Iniintriga tuloy ang pagbebenta niya ng dalawang car para masuportahan umano ang pang-araw araw na pangagailangan. Ubos na ba ang ipon niya kaya sasakyan.
“Nope! Sideline business ko kuya Rom with my partner,’ paliwanag niya sa text.
Sinundan namin ng komento na mayaman pa rin siya at hindi totoong naghihirap na.
“Di naman po, masipag lang po Walang mangyayari kung sa bahay ka lang at mag-aantay ng biyaya.”sagot niya.