Abante Tonite Interactive

Arron palaban magpakita ng pototoy

By
340

May gaga­wing digiserye si Arron Villaflor, na mapapanood sa I Want TV, na ang title ay “Sex and Coffee,” mula sa Dreamscape Digital.

Dahil “Sex and Coffee” ang title ng digisersye, tinanong namin si Arron kung magiging daring siya rito.

“Feeling ko naman, oo. From the title itself,” sagot ni Arron.

“I can’t wait for it (na masi­mulan na ang digiserye), kasi ang ganda ng title,”natatawang sabi pa ni Arron.
Hanggang saan ba ang kaya niyang ipakita?

“Ano ba 28 na ako! Ready’ng-ready na ako sa ano (pagiging daring),” natatawang sagot ni Arron.
Kahit frontal nudity?

“If it’s a good story, why not,” natatawang sagot na naman ni Arron.

Pinanood ni Arron ang unang digiserye ng Dreamscape Digital na “Glorious,” na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca. Kaya niya raw ito pinanood ay dahil crush niya si Angel.

“Sana nga ako na lang ang kinuhang partner du’n ni Angel,” ang natatawa na namang sabi ni Arron.
Dagdag pa niya, “Sana maka-work ko siya.”

Bukod kay Angel, sino pa ba ang crush niya?

“Si Liza (Soberano) at Maja (Salvador.)”

Sa darating na Valentine’s Day sa February 14 ay walang ka-date si Arron, dahil wala siyang girlfriend ngayon.

“May work ako sa Valentine’s Day. Okey na rin ‘yun, na magtatrabaho na lang muna ako.”

Pero kahit single, may sex life pa rin ba siya?

Napaubo si Arron sa tanong namin, pero sinagot niya pa rin ito nang buong ningning. Sabi niya, may sex life pa rin siya.

“Siyempre naman, kaila­ngan din natin ‘yun,” pag-amin pa niya.

Samantala, bukod sa ­digiserye ay may gagawin ding movie si Arron mula sa Black Sheep Production, na makakasama niya rito si Jodi Sta. Maria.

“It’s a horror film. I’ll be playing the role of a priest. Si Direk Ricky Davao ‘yung head priest ng church. The story is about possession. Si Jodi ‘yung mapo-possess ng masamang espiritu. Ako ‘yung magpapagaling sa kanya. Ang working title ay Clarita,” sambit niya nang makausap namin siya sa Prestige International yearend party.