Abante Tonite Interactive

Arroyo, Andaya nilamon ang pinurgang pork ni Alvarez

By
0 688

Katawa-tawa ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na ang isinukang pork barrel na isiningit diumano ng da­ting liderato ng Kamara sa ilalim ni dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ay mistulang sinagpang at nilunok naman ng kasalukuyang House leadership.

Ayon kay Tinio, unang isiniwalat ni Senador Ping Lacson na may tig-P60M na pork ang mga kongresista.

“Ang sinabi namin hindi lang P60M ‘yan. So ngayon nilantad ni Sen. Lacson na hindi lang P60M, billion ang pinag-uusapan. Bagaman hindi nya pinangalanan of course ang tinutukoy naman nya rito si Speaker (Gloria) Arroyo at saka si Majority Floor Leader (Rolando) Andaya…’yung mga example na nai-cite nya sa kanyang speech sa Senado,”
paghahayag ng Makabayan solon sa pulong-balitaan kahapon.

Binanggit ni Tinio na ganito na ang kalakaran sa Kamara.

“Katawa-tawa nga dahil ‘yung bagong leadership ng House sa simula ng budget process they made a big deal about exposing the pork barrel insertions of the previous House leadership under Speaker Alvarez. Kaya nga na-delay ‘yung simula dahil nilabas nila ‘yung P55B in congressional insertion na pumapabor sa ilan na mga kongresista,” sabi ni Tinio.

“Ngayon lumalabas eh ‘yung bagong leadership ganun din naman pala ang ginagawa,” giit nito.

Gayunpaman, hindi na umano nasorpresa ang militanteng kongresista dahil tila nakaugalian na ang naturang diskarte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“…on top of ‘yung mga regular na pork allocation na around P100M na sinasabi para sa bawat kongresista, meron pa ‘yang dagdag at gaano kalaki well…billion ang pinag-uusapan dito lalo na kung doon sa mga top official ito yung tinutukoy at pino-point out ni Sen. Lacson, also the ­other things I will like to say ‘yung mga insertion na ’yan ginagawa ‘yan, again ito ang tradisyon dito sa House, ginagawa ‘yan after approval by plenary on second reading.

‘Yun nga ‘yung nagbubuo sila ng so called small committee na magta-tackle ng amendments doon nila pinapasok ‘yan,” paliwanag ni Tinio.