Abante Tonite Interactive

Arroyo ‘di natinag ng black pro sa isyu ng budget insertion

322

Umangat ng apat na puntos ang satisfaction rating ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay San Juan City Rep. Ronaldo Zamora, sa kabila umano ng mga inabot na batikos ng lider ng Kamara sa usapin na may kinalaman sa 2019 national budget ay hindi natinag at tumaas pa rin ang rating ng dating Pangulo.

Ipinagtanggol pa ni Zamora ang liderato ni Arroyo sa Kamara partikular sa isyu ng national budget na isang “democratic and transparent allocation” ng mga proyekto at serbisyo ng gobyerno sa lahat ng distrito kahit ano pa ang political affiliation ng mga mambabatas.

“The style of Speaker GMA has always focused on getting results and work done rather than on the approval ratings,” ani Zamora.
(Aries Cano)