Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arsobispo sa Pampanga dinapuan ng COVID

0 80

Nagpositibo sa COVID-19 ang pinuno ng Archdiocese ng San Fernando sa Pampanga.

Sa nilabas na circular, kinumpirma nina vicar general Fr. Francis Dizon at chancellor Fr. Danny Nacpil kahapon na dinapuan ng nabanggit na virus si Archbishop Florentino Lavarias.

Kasabay nito ay tiniyak nilang nananatili sa stable condition ang 63-anyos na arsobispo, na vice chairman of the bishops’ Commission on Clergy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad din umano nilang inabisuhan ang mga nakahalubilo ni Lavarias hinggil sa kasalukuyang kalagayan nito kasabay ng hirit ng dasal.

“Let us all pray for his steady and speedy recover,” hiling ni Dizon. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.