Abante Tonite Interactive

Art nakaliskisan na; Greg, Sol nakatengga

By
1,019

NASA lineup na ni coach Tim Cone sina Greg Slaughter at Sol Mercado Sabado ng gabi, pero hindi pa pinaglaro ang dalawa sa 104-97 loss ng Ginebra sa Rain or Shine sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Ang sinubok ni Cone ay si Art dela Cruz, makalipas ang higit isang taon ay nakapag-debut rin sa Gin Kings.

Ang 6-foot-4 forward na si dela Cruz ay 9th pick overall ng Blackwater noong 2015, makalipas ang dalawang taon ay napadpad sa Ginebra.

Hindi pa nakakapaglaro, inabot ng torn Achilles ang small forward na produkto ng San Beda.

Sa 9:52 mark ng second quarter, sa unang pagkakataon ay ipinasok ni Cone si dela Cruz kapalit ni Kevin Ferrer.

Walang isang minuto, nilista ni dela Cruz ang una niyang assist kay Japeth Aguilar, sinundan ng steal sa pasa ni Beau Belga.

At sa 8:28, pumasok ang una niyang basket – isang floating jumper na bumasag sa 32-32 deadlock.

Sa loob ng 6:35, mula sa field ay 1 of 3 si dela Cruz, may 2 rebounds at tig-isang feed at steal.

Hindi muna isinugal ni Cone sina Slaughter (angkle sprain) at Mercado (knee), posibleng inoobserbahan pa kung 100 percent nang kayang lumaro.

Pinakamaraming panalo pa rin ang Ginebra sa 7 kontra 2 losses, pero mula No. 1 ay dumausdos sa third sa likod ng 6-1 Magnolia at 5-1 Alaska.