Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ARTA kumambiyo vs NOW, Newsnet telecom

0 59

Mistulang naglaban-bawi ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa posisyon ng nasuspending director general nito na si Jeremiah B. Belgica at iba pang opisyal nang isantabi ang naunang inisyung Declaration of Completeness and Order of Automatic Approval.

Sa dalawang magkahiwalay na resolusyon ng ARTA nitong Hunyo 17, 2022 ay binawi ng ARTA ang dati nang naging pagpabor nito sa magkahiwalay na reklamo na inihain ng News and Entertainment Network Corporation (Newsnet) at Now Telecom Company, Inc. (NOW Telecom).

Ang mga resolusyon ay pirmado mismo nina Officer-In-Charge Anti-Red Tape Authority Atty. Ernesto V. Perez, OIC Director for Investigation, Enforcement and Litigation Office Atty. Leonardo O. Tapia, at Atty. III Litigation Division Atty. John Ramil V. Rabe.

Sinundan lamang ng mga bagong desisyon ng ARTA ang hatol ng Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon at final and executory na ang desisyon ng departamento.

Noong 2019 ay naghain ng reklamo sa ARTA ang Newsnet kung saan humihingi ito ng automatic approval sa provisional authority nito at sa paggamit ng frequencies na kinatigan ng ARTA.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, naghain ang NTC ng petition for adjudication sa DOJ noong 2020 kung saan kinukuwestiyon nito ang jurisdiction ng ARTA.

Nagpasa rin ang NOW Telecom ng kapareho sa Newsnet na reklamo sa ARTA na humihingi rin ng automatic approval at iba’t ibang frequencies na pinayagan din ng ARTA.

Sa hininging opinyon ng NTC, nagdesisyon ang DOJ na ibasura ang Order of Automatic Approval na inisyu ng ARTA pabor sa Newsnet.

Inapela ng ARTA sa Office of the President ang desisyon ng DOJ na nabasura rin at naging pinal ito noong Abril 25 ng kasalukuyang taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.