Abante Tonite Interactive

Artist ni-rape slay ng basted na guwardiya

7,145

Hawak na ng Kawit police ang suspek sa pagpatay sa babaeng artist na natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay na tadtad ng saksak sa Kawit, Cavite.

Alas-10:00 kahapon ng umaga nang maaresto ang suspek na si Regie Boy Calizar Estabillo, 26, isang security guard, ng Block 3 Lot 28, Phase 2 Estarlla Homes, Brgy. Toclong, Kawit, Cavite habang­ pagala-gala sa Brgy. Sanja Major, Tanza, Cavite.

Si Estabillo na guwardiya sa nasabing subdibisyon, ang suspek sa pagpatay kay Sarah Kaye Mindo, 29, isang artist.

Sa ulat ni PSSg. Nelvin Trajico, ng Kawit Municipal Station, alas-otso ng umaga noong Biyernes nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa loob ng kanilang bahay.

Sa report ay umamin si Estabillo sa pagpatay sa biktima. Tangka sana nitong kausapin ang dalaga para ipagtapat ang pagmamahal pero tinanggihan umano siya at pinalagan ng dalaga.

Nabatid na paalis umano ng bahay ang biktima nang pasukin ng suspek.
Ayon kay Trajico, bago ang krimen ay pinag-aralan ng suspek ang pagdating at pag-uwi ng biktima at nang makatiyempo ay pinasok at isinagawa ang pakay sa biktima.

Lumalabas din na pinatay ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng saksak. Positibo din itong ginahasa ng suspek base sa lumabas na resulta sa nakuhang semil­ya sa ari ng biktima.

Labis naman ang paghihinagpis at naramdamang galit ng naulilang kaanak ng biktima.

“Gusto kitang balatan ng buhay at buhusan ng asido.. dukutin ang mga mata mo… tanggalin ang p— i—ari mo at ipakain sa iyo,” nanggagalaiting pahayag ng isang tiya ng biktima sa social media hinggil sa suspek.

Ang biktima na may talent sa pagguhit ay sinasabing bread winner sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)