Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Artista ‘wag mag-ilusyon magtaas ng TF – Lolit

0 641

NI: VINIA VIVAR

Bilang manager, nagbigay na ng stand si Lolit Solis hinggil sa hinihingi ng ABS-CBN na pagbabawas sa mga talent fees ng mga artista.

Ilan sa mga alaga rin ni Nay Lolit ay lumalabas din sa Kapamilya network tulad ni Christopher de Leon na may ongoing teleserye ngayon, Lorna Tolentino, Amy Austria among others.

Ayon kay Nay Lolit, kung payag ang mga alaga niya ay okay sa kanya.

“They were asking me Salve as a manager kung ano ang stand ko sa price cut. Honestly, alam mo at nakikita mo kung gaano kahirap ngayon ang trabaho.

“So iiwan ko ang sagot sa mga alaga ko, dahil sila naman ang gagawa ng trabaho, desisyon nila masusunod. Kung ayaw nila, ok. Kung kaya nila hintayin hangga bumuti ang sitwasyon, ok,” ang pahayag ng veteran columnist/talent manager sa kanyang Instagram account.

Pero kung siya ang masusunod, walang problema sa kanya ang price cut dahil ang mas importante raw ngayon ay trabaho’t hindi dapat mag-ego trip.

“Pero kung talagang hindi kaya, bakit hindi pagbigyan iyon hinihingi na price cut? Lahat ngayon dapat mag sacrifice dahil sa mga nangyayari. Ngayon ang panahon na dapat tulungan sa isa’t isa para mag survive. Huwag ng mag ego trip kundi kaya, dahil ang importante trabaho. Maging practical sa realidad ng buhay. Huwag mabuhay sa ilusyon,” post pa niya.

Sa isa pa niyang post ay sinabi rin niyang posible ring magbawas ang GMA-7 at ang iba pang movie producers.

“Alam mo Salve iyan price cut na hiniling ng ABS CBN imposible hindi rin hilingin ng GMA7 at mga movie producers. Hindi mo puwede sabihin na binigyan mo discount ang ABS kasi may problema ngayon, dahil tiyak isasagot sa iyo hihintayin nyo ba magka problema kami bago kayo magbigay discount sa amin ?

“At huwag na tayo mag ilusyon, wala ngayon bargaining power ang mga artista dahil nga nasa sad state ang showbiz. Affected ang box office returns ng mga pelikula dahil sa limited seats ng mga sinehan, nag declare ang mga advertising company na per program na bibili ng commercial, hindi na by block na gaya ng dati, naranasan narin ng mga tv station na malakas ang appeal ng mga replay at pinapanuod parin, so who can stop them to show all the replay for a year?” aniya.

Kung pumayag daw ang PAMI (Professionals Artists Managers, Inc) sa hiling ng ABS-CBN, it just goes without saying na papayag din sila kung hihilingin ng GMA-7.

“What the talents need is job, work, so kung ito ngayon ang standard, can you go against the flow? Pumayag ang mga managers sa hiling ng ABS na price cut, so imposible hindi ka pumayag kung hilingin iyan ng GMA 7, Viva, Regal at Star Cinema. Tanggapin na natin ang real situation, wala ngayon puwede magmalaki, dahil masikip ang mundo, hindi open field ngayon ang trabaho, kulang na kulang,” saad pa ni Nay Lolit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.