Abante Tonite Interactive

Artistang maganda malutong magmura

683

Kung true nga ang bulong mula sa aking impeachable source, nakakadismaya talaga. Kung sino pa ang may magandang mukha, siya pa ang pulos mura ang lumalabas sa bunganga. At malulutong pa raw ang mura, huh.

May isang nilalang na dahil siguro sa Mercury retrograde, hindi naman sinasadya, may pinapadalang link na ang laman ay panalong balita, here, there and everywhere.

Ang nilalang, naipadala pala ang link sa isang artistang maganda. Ang good news link ay sent to all yata ang drama. Ang kasunod na eksena matapos mabasa ni artistang maganda ang link, agad-agad at parang sinapian, naging mala-halimaw sa banga, huh! Nagwawala raw ito sa galit at puwede daw itong ikumpara sa isang machine gun, ratatatat-tatat ang pagmumura! All the expletives, tinodo! Sumabog!

Ewan ko lang kung tama ang rinig ko sa kuwento ni impeachable source sa susunod na kaganapan. Diumano, itong si artistang maganda, pinahanap nga ba ang nagpadala sa link, tinawagan ito at saka go for gold na pinagmumura ang nilalang na shookt na shookt sa pangyayari?

Gusto na raw magpalamon ni nilalang sa lupang kanyang kinatatayuan dahil talagang durog na durog siya sa pagmumurang tinanggap.

Kung bulong na ito mula sa aking impeachable source ay the whole truth and nothing but the truth, ang matandang kasabihan na looks are deceiving ay buhay na buhay pa pala.

Nakakalungkot na ang artistang maganda, put on lang nga ba ang kabaitan at sweetness at sa totoong bahay, lagpak ito sa mabuting asal at tamang pag-uugali?

 

Ai Ai, Mylene,
Sunshine movie
nilangaw vs ‘HLG’

 

Kung ang “Hello, Love, Goodbye,” ang total gross income nito domestically ay PhP 603,015,830 at internationally, USD 2,132,00, at walang dudang puwede nitong maabot ang P1 billion box office tagumpay, kamusta naman kaya ang laban sa takilya ng mga pelikulang “Belle Douleur”, “Malamaya” at “And Ai, Thank You”?

Ang dalawang cougar and cub-themed movies, how true na ang Mylene Dizon and Kit Thompson starrer, how true na ang first day gross nito ay P500K at ang sa Sunshine Cruz at Enzo Pineda movie, malamyang-malamya ba ang kita nitong P100K?

Eh ang sa Comedy Queen flick na two years ago ba nga ba talagang tapos at ngayon lang ipinalabas, totoo nga ba na ang domestic box-office gross nito ay P200K?

Ano ito, ginaya lang ba nila ang “Indak” na for a Nadine Lustre headliner, how true na less than P1million lang nga ba ang first day domestic kita?

Ang tatlong pelikula kayang ito, lumakas ang support at pagmamahal mula sa dabarkads at madlang pipol ngayong weekend?

O baka ang weekend crowd, ang Cinemalaya best picure “John Denver Trending” na ang mas pilahan at yakapin? Pinanood ko ang 5pm showing nito sa isang sinehan sa Makati and I was pleasantly surprised to see na puno ang sinehan.

Sa true lang tayo talaga, ano pa nga kayang movie ang puwedeng tumapat sa box-office at critical success that is “Hello, Love, Goodbye”?

Sa MMFF sa Disyembre pa ba muling may papalong pelikulang Pilipino sa takilya at maaasahan na naman natin muli na ang magre-reynang uri ay ang pelikula ni Queen Bayot Vice Ganda?

O ma­ka­kaasa tayo na ilan sa mga pelikula sa paparating na Pista ng Pelikulang Pilipno, tulad ng “Open”, “LSS” at “The Panti Sisters” ay mamemewang at mangangabog rin sa takilya?

Think positive tayong lahat, walang duda na meron at meron pa ring pelikula na talagang aabangan at paulit-ulit panonoorin.

Ang diva that you love, iminumungkahi sa lahat, lalo na sa aking Beautiful Ones at Abante TONITE readers to bet your hard-earned pesos sa “John Denver Trending” na ipinapalabas sa mga piling-piling sinehan. Please get out of your weekend cocoons and comfort zones at panoorin ang pelikula.

Here are three major reasons why you must and should watch it: Jason Mapusao, Meryll Soriano and its slap on the face story about the ills of social media.

Ang lahat na belonging to these categories – bashers, haters, trolls and even the so labeled social media influencers, it is imperative na mapanood niyo ito para malaman niyo ang inyong responsibilidad sa wastong paggamit at pagpapahayag ng mga damdamin at opinion sa social media.

Sa true lang tayo, ang “John Denver Trending” dapat ding mag-tour sa mga campus at unibersidad at after every screening magkaroon ng diskusyon at talakayan tungkol sa cyber at societal bullying, emotional health issues at responsible use of social media.

Hindi lang maganda ang pelikulang ito. Mahusay.
Magaling na magaling na magaling.