Abante Tonite Interactive

Artistang sangkot sa droga wala sa serye ni Yasmien

667

Um-action star si Yasmien Kurdi sa bago niyang Kapuso serye na “Beautiful Justice.”

Nag-aral siya ng Krav Maga at sumailalim sa intense gun training sessions kasama ng co-stars niyang sina Gabbi Garcia at Bea Binene na pawang gumaganap bilang PDEA agents.

Bilang babae ay ang dami raw nilang natutunan dito na magagamit nila for their own safety and protection na rin.

Sey ni Yes, hindi typical ang action scenes nila rito at saka very timely ito na nangyayari ngayon kaugnay ng war on drugs ng gobyerno.

Wala raw sa istorya nila ‘yung mga artistang nasasangkot sa drugs. Ang stand dito ni Yasmien ay hindi okey ang mag-drugs at naniniwala siya na dapat ay dumaan lahat sa due process.

So, hindi raw dapat basta-basta na lang ilabas sa publiko ang pangalan ng sinumang celebrities na nai-involve ang drugs.

Excited mag-balik-primetime si Yasmien after 5 years. Last daw siyang nag-aksyon ay sa “Encantadia” pa. Mas intense daw ang aksyon sa “Beautiful Justice.”

Astig-astigan ang peg ni Yas bilang si Alice sa nasabing serye, pero sa bahay ay siya ang tagaluto, tagalaba at tagaplantsa.

Misis na misis siya sa pilot husband niyang si Rey Soldevilla, na ‘pag wala naman daw trabaho ay pinagda-drive siya. Ganu’n sila magsuportahang mag-asawa.

Mamayang gabi na ang simula ng “Beautiful Justice” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras” kapalit ng “Sahaya.”

Nico ratsada sa kabulastugan

Trending kahapon si Solenn Heussaff sa Twitter dahil sa balitang girl ang ipinagbubuntis niyang baby.

Inisa-isa ni Nico Bolzico,. hunky hubby ni Solenn ‘yung iba’t ibang stages ng mga ‘challenge’ na pagdadaanan ng sinumang gustong manligaw sa kanilang daughter.

Kasali sa mga pagsubok na ‘yon ang mga alaga ng mag-asawa sa bahay nila na sina Patato at Pechuga (maliliit na pagong), El Gato (pusa) at Pochola (aso).

Kung anu-anong kalokohan ang napag-iiisip ng asawa ni Solenn, pero dahil karakter talaga ito at natural na nakakatawa ay bentang-benta ang mga ‘yon sa netizens.

Ani Nico, kapag nakalusot na sa mga alaga nilang hayop ‘yung lalaking manliligaw sa anak nila, ang sunod na haharapin nito ay siya na.

“The suitor will sit down with me, in a dark room with one light in one table, where I will ask 100 questions and he must answer fast. Failing in one answer question will result in elimination.

“After, the suitor will have earned the right to take my girl on a date. The first 3 dates I will personally join in a separate table.

“#Wifezilla thinks I am crazy and doesn’t want to be part of this! I guess she is not a modern parent as me,” sey pa ng riot na si Nico, na may bagong pa-hashtag na #BabyBolz para sa magiging anak nila ni Solenn.

In fairness ay laging good vibes ang hatid ng mga kabulastugang naiisip ni Nico kaya love na love siya ng fans.

Kahapon ay may pinost na video si Solenn na nagsasayaw si Nico a la Matthew McConaughey sa “Magic Mike” at aliw na aliw si buntis sa paggiling-giling ng kanyang mister.

Actually, ang dami nang excited sa paglabas ng first baby nina Sos at Nico dahil tiyak daw na bongga ang kombinasyon ng dalawa.

Bianca ayaw ibasura si Miguel

Heartfelt ang farewell message ni Bianca Umali nang magtapos ang “Sahaya” nu’ng Biyernes.

Ang ganda ng mensahe nu’ng mahabang post ni Bianca sa IG na sabi niya ay para itong isang panaginip na ayaw niya pang magising.

Ibinulalas niya na mahal na mahal niya ang karakter niyang si Sahaya na higit sa dugo’t pawis daw ang ibinuhos niya para mabigyan ng buhay.

Isa raw itong proyektong ipagmamalaki niya hanggang sa kanyang pagtanda.

Hindi niya rin nakalimutang pasalamatan ang kapareha niyang si Miguel Tanfelix at isa raw ito sa mga taong pinahahalagahan niya.