Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arum kay Casimero: Huwag kang atat!

0 403

Walang tigil ang putak ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero sa kababanat kay Top Rank Promotions chief Robert ‘Bob’ Arum.

Para magtigil, pinagsabihan ng American promoter ang 30-year-old, Ormoc native boxer, na maghintay lang at inaayos na niya ang laban kay World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight champion Naoya Inoue.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinirit niyang malaki ang Casimero-Inoue fight na malamang pumatok sa takilya mula sa gate receipts hanggang sa pay-per-view kaya mas mainam kung hindi ito gagawin sa isang closed-door venue.

“He should be patient,” giit pa ni Arum kay Casimero, dinagdag pa bawal pa rin ang live audience sa Las Vegas, Nevada, ang itinuturing na boxing hub sa Amerika.

Napurnada ang Casimero-Inoue title bout noong Abril 25 sa Estados Unidos dahil sa Covid-19. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.