Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arwind bumait sa San Miguel

0 293

IBINAHAGI ng big boss ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang ang klase ng ugali ni veteran na si Arwind Santos nang ito’y dumating sa franchise, ani RSA, feeling ni Santos ay siya ang “best basketball player in the world.”

Nabago na aniya ang ugaling ito ni Santos, dagdag pa ni RSA na anak ang trato niya sa kanyang mga player kaya ang mga kaunting problema sa pag-uugali ay madaling masolusyunan ng bawat prangkisa.

SM food to go Banner Ad

Inalala niya ang asta noon ni Santos, 2009 nang ito’y mapasama sa San Miguel Beermen pero hindi aniya ito makausap dahil sa ugali nito.

Hindi uubra kay RSA ang kayabangan ng mga players, kapag may nakita siyang maling asta, tinatawagan niya agad ang mga ito para itama. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.