Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arwind dagdag bala ni Jarencio

0 87

Beterano na ng maraming giyera si Arwind Santos, resulta ng 15-year career sa PBA ang siyam na kampeonato – lahat sa San Miguel Beermen – at season MVP (2013).

Tiwala si coach Pido Jarencio na madadala ni Santos ang championship pedigree sa NorthPort.

“I’m happy na napunta sa amin si Arwind. He can lead this team, he can be a kuya to the players,” ani Jarencio nitong Linggo.

Noong nakaraang buwan, trinade ng SMB ang 40-year-old veteran para kay Vic Manuel.

“I’m sure na magiging malaking asset si Arwind,” dagdag ni coach Pido. “Kasi nga, number one ‘yung leadership, number two that guy’s a winner at maibabahagi n’ya sa team ang culture, attitude na ‘yun.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matapos aprubahan ang trade, hindi pa muna hinimay ni Jarencio ang magiging kontribusyon ni Arwind sa Batang Pier dahil ‘indefinte’ pa raw lahat noon.

“Ngayon kampante na ako, settled na lahat. Eto na lineup ko, mag-uumpisa na conference,” aniya. “So, p’wede na ako magsalita.”

Matatasahan agad ang kumbinasyon nina Santos, 7-foot slotman Greg Slaughter, newcomer import Cameron Forte, Robert Bolick at rookie Jamie Malonzo sa opening day ng Governors Cup Miyerkoles.

Toka ng Batang Pier ang Alaska at si Olu Ashaolu sa first game ng 3 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Second game ang SMB laban sa retooled NLEX. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.