Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arwind pakwela sa Eat Bulaga TAARTITS!

0 340

INILABAS ni San Miguel Beer forward Arwind Santos ang itinatagong kakulitan sa pagbisita nito Sabado na “Bawal Judgemental “portion ng programa sa telebisyon na Eat Bulaga.

Habang hinihintay na tuluyang payagan na magbukas muli at makapagsimula ang mga sports paritikular na ang basketball ay nagawa muna makipagbiruan ni Santos sa producer at host ng TV program na si Vic “Bossing” Sotto.

Ikinatuwa ni Bossing sa pakikipagkuwentuhan nito kay Santos ang sagot ng basketbolista matapos na tanungin nito sa kanyang kakayahan na makuha ang mga tamang sagot.

“Alam ko mahusay ka sa pagkilala sa mga kalaban kapag naglalaro, kaya mo kaya na mai-judge ngayon ang mga kasali natin?” sabi ni Bosing.

“Opo, judgemental po ako. Pati nga po, mga hayop, naidya-judge ko, “ sabi ni Santos, na ikinatawa ni Bosing Vic.

“Bawal Judgemental,” nasabi lamang ni Bosing Vic.

Wala pang kasiguruhan kung kailan magbabalik ang PBA dahil sa patuloy na epekto ng COVID-19 subalit pinayagan na ng IATF na magbalik sa training ang mga player ng basketball at football. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.