Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Arwind, San Miguel tinoma ang Alaska

0 111

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)

4:00pm – Rain or Shine vs Blackwater

6:45pm – Ginebra vs Magnolia

Clark Smart Giga City – Sinalag ng San Miguel Beer ang lahat ng ibinato ng Alaska sa endgame at naitakas ng Beermen ang 92-88 panalo tungo sa 3-2 card sa PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF gym Sabado ng gabi.

Nangolekta si Alex Cabagnot ng 19 points at 7 rebounds, may double-double na 17 points at 10 rebounds si Arwind Santos para sa Beer na naungusan pa sa scoring sa paint 44-36.

Nagdagdag ng 16 points si Mo Tautuaa at 13 kay Marcio Lassiter, siyam dito sa perpektong shooting sa free throw line.

SM food to go Banner Ad

Napigil sa 3-3 ang Aces sa kabila ng tig-18 points nina Vic Manuel at rookie Barkley Ebona.

Sa first game, sa panlimang subok ay pumasok din sa win-column ang NorthPort nang ipagpag ang Terrafirma 107-96.

Dyip na lang ang hindi pa nakakasagasa ng panalo sa apat na laro sa Pampanga bubble.

Wala si Sean Anthony (leg), ang mga hindi inaasahang sina rookie Renzo Subido at Kelly Nabong ang nagtulak sa Batang Pier sa breakthrough win.

Mula sa 92-88 count, apat na tres ang pinakawalan nina Subido at Nabong para siguruhin ang panalo.

Tumapos si Nabong ng 18 points mula apat na 3s, siyam sa 12 points ni Subido ay galing sa labas ng arc at ang huling tatlo ay sa nakumpletong 3-point play pa.

Namuno sa NorthPort ang 23 points ni Christian Standhardinger na may 14 rebounds at 5 assists pa. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.