Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Asan ang Sputnik V vaccine

0 247

Sa isang forum noong Biyernes, inihayag ni Quezon Governor Danilo “Danny” Suarez na maraming klase ng bakuna na ang dumarating sa kanilang lalawigan at kabilang dito ang Sputnik V na nagmula pa sa Russia.

Pero nagtatanong ang kanyang mga kababayan sa Quezon na kung talagang meron, bakit wala naman silang nababalitaang may nabakunahan na kontra Covid-19 gamit ang Sputnik V?

Sabi ni Ed Santos, tagapagsalita ng Quezon Rise movement, 2.9% lamang ang vaccination rate sa kanilang lalawigan kaya ang tanong nya nasaan ang sinasabing Sputnik V vaccine ng gobernador.
Sinabi pa ni Suarez sa press briefing ng National Press Club (NPC) na mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang kinausap sa telepono upang humingi ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

Hindi naman sinabi ng gobernador kung ilang dose ng Sputnik Gamaleya ang diumano’y hawak na ng lalawigan ng Quezon at kung may kakayahan o pasilidad para umayon sa storage requirement ang Sputnik V vaccine.

Sa pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lahat ng Local Government Units (LGUs) sa bansa ang mabibiyayaan ng Sputnik V vaccines na gawa ng Gamaleya Research Institute ng bansang Russia dahil sa storage requirement nito.

Sabi ni Vergeire kinakailangang naka-store sa madilim na lugar na may temperatura na hindi tataas sa 18 degrees Celsius. Ito aniya ang importanteng requirement kung saan ang ibang LGUs ay hindi ito matutugunan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pagdating ng Sputnik V, mayroon lang pong assigned LGUs because they have the capability to store ‘yung said vaccines… Kaya hindi natin maibigay sa lahat ng ating regions,” sabi ni Vergeire sa press briefing.

Binanggit din Suarez sa online press briefing ang kanilang datos na nasa 9,842 ang confirmed cases ng COVID-19 sa kanilang lalawigan at mahigit 400 na ang namatay.

Mahigit 14,000 pa lamang ang nabakunahan sa mahigit dalawang milyong residente ng probinsya ng Quezon. Sa datos naman ng DOH, pinakakulelat ang Quezon sa mga nakakuha ng bakuna.

Sabi pa gobernador, hindi pa nakukuha ang panukalang P1 bilyong pisong pondo ng lalawigan dahil pinapaaprubahan pa ang utang sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., inaasahan pa lamang nila ang pagdating ng 20,000 doses ng Sputnik Gamaleya bago matapos ang buwan ng Abril. Tinapos ng gobyerno ng Pilipinas ang kasunduan sa Gamaleya nito lamang April 15, 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.