Abante Tonite Interactive

Asawa ko at bodyguard niya (2) WALANG ECHOS

888

My wife, a govt official, has a bodyguard. She and her bodyguard flirted with each other through text. We had a confrontation; the bodyguard is already out.

But she still contacts her former bodyguard for work, but she also erased some messages – which made me jea­lous.

I told her that if she contacts her former bodyguard again, I will create a scandal and opt for an annulment. If we separate, I am unemployed although I have properties due to my former job. Please advice!

Marco

Dear Marco,

Maraming Salamat sa iyong sulat na pinubish natin ng buo kahapon, Sabado, Agosto 10. Sinabi ko dun na sa aking opinyon ang talagangkinaiinisan mo ay hindi lamang ‘yung mga text ng asawa mosa kaniyang bodyguard at vice versa, pero mas malalim na bagay, na mas mai­ging ayusin ninyo. Kung hindi, ganyan lang ang mangyayari: Mayroon kang ayaw sa mga aksyon niya, titigil siya, pero madidiskubre mo na hindi siya talagang tumigil, ginawa lang niya ang kailangan para hindi ka kayo mag-away. Hindi ito mga aksyon ng isang babaeng minamahal ka.

Ang iyong mga aksyon rin ay medyo nakakagulat. ‘Di ba sobra ang tapusin ang inyong pagsasama (annulment) dahil lamang mayroong mga text ang asawa mo sa bodyguard niya? Nakakagulat na parang wala kang interes malaman ano talaga ang nangyari bago ka nanakot ng annulment kaagad! Mas nakakagulat dahil parang hindi ka pa handang maghiwalaysa kaniya, tapos ikaw pa ang nagbabanta na iwanan siya. Kung gawin mo ‘yun—papaano ka mabubuhay? Paano ka makakabili ng pagkain mo, 6 nataon ka nang walang trabaho? Hindi makakain ang lupa na nagmamay-ari ka.

Kung matatapos rin lang ang relasyon ninyo di ba mas ma­buting matapos para sa totoong mga isyu at hindi ang kunwaring isyutungkol sa bodyguard? Since ikaw ang sumulat sa akin, sa iyo kosa sabihin na “Sayang, Marco.” Sana hindi kayo maghiwalay, pero kung maghiwalay kayo, sana naman eto ay para sa mga tunay na dahilan. Malay natin, baka ang mga tunay na dahilan na ito ay maaayos pa, basta ikaw ay may sapat na tapang at katapatan sa masinsinan na pag-uusap ninyo. I­ngat at good luck—MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa Tonite tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.