Abante Tonite Interactive

Asawa ko at bodyguard niya

600

Dear Dra Holmes:
My wife is a go­vernment official. I lost my job six years ago.

I am unemployed. I own our house but she is the breadwinner for the meantime. Because of political threats, she has a bodyguard. I discovered that her bodyguard flirted with her through text. We had a confrontation; the bodyguard is already out.

But I discovered that she still contacts her former bodyguard, albeit with no flirting and only official and business messages. But she also erased some messages – which made me jealous.

Now, I gave her an ultimatum that if she contacts her former bodyguard again, I will create a scandal and opt for an annulment. If we separate, I am unemployed although I have properties due to my former job. Please advice!
Marco

Dear Marco,
Maraming Salamat sa iyong sulat. Sa aking karanasan bilang relationship therapist, ang una mong kailangang gawin ay siguraduhin mo na ito talaga ang nang-iistorbo sa iyo. Mara­ming beses kasi, lalo na para sa mga matagal nang magkasama (mas lalo na kung hindi sila nag-uusap ng masinsinan) ang sama ng loob na hindi napapag-usapan ay lumalabas at lumalabas din sa pamamagitan ng mga away na walang koneksyon sa tunay na sama ng loob, pero itong sama ng loob ang siyang tumutulak sa galit, pag-urong (recrimimation) at pagbibintang.

Sinabi koi to dahil, habang totoong nakakagalit talagang malaman na ang asawa mo ay nakikipag-flirt sa kanyang bodyguard, parang nakakagulat naman na ang iyong unang reaksyon ay takutin siya na mag-eeskandalo ka sa kanyang opisina. Lalo na dahil wala kang trabaho, ang asawa mo ang iisang breadwinner sa inyong pamilya, at tila wala kang ba­lak magtrabaho sa susunod na araw, lingo, o kahit taon. Sa Ingles may kasabihan: “Cutting Off your Nose to Spite Your face.” Sigurado ka bang hindi lang ito ang ginagawa mo rito? TO BE CONTINUED…

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa TONITE tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.