Abante Tonite Interactive

Asawa ko tawag ni Sarah kay Matteo

3,037

Sarah Geronimo-Gui­dicelli na ang pakilala sa bagong kasal na si Coach Sarah kahapon nang magbalik siya taping ng “The Voice Teens”.

Sa nakita naming maiksing video na pinapakilala ang Popstar Royalty ay binanggit na ang kanyang married name, na tiyak na ikatutuwa ng mister niyang si Matteo Guidicelli.

Nasa may gilid ng backstage ang fellow coach ni Sarah na si Ms. Lea Salonga na ang tamis ng ngiti at pinapalakpakan si Mrs. Guidicelli.

Bale dalawang diamond rings na ang suot ni Sarah kahapon na parehong nasa left ring finger niya—‘yong engagement ring nila ni Matteo at ‘yong bago niyang singsing mula sa civil wedding nila nong Thursday night.

Minsan nang naging biruan nina Sarah at Ms. Lea ang diamond engagement ring niya sa episode kamakailan ng “The Voice Teens”, so malamang pansinin din ni Ms. Lea ang bago niyang diamond wedding ring.

Nakakatuwa pa dahil dumalaw sa studio bago nag-start ang taping ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, na nakasama sa Kapamilya stars na nag-Walk of Faith kahapon sa labas ng ABS-CBN compound habang ang mga big boss ng network ay nasa Senate hearin­g.

Parehong love na love nina Regine at Ogie si Sarah at pati na rin si Matteo, kaya siguro nag-drop by sila para batiin ito nang malaman nilang balik-taping na si Mrs. Sarah GG.

Hindi lang namin sure kung personal na sinabi ni Ms. Reg kay Sarah ‘yong pabirong payo niya rito na mag-sex sila nang mag-sex ni Matteo ngayong kasal na sila. Ha! Ha! Ha!

The night before ay ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo naman ang ka-bonding ng bagong kasal dahil nagpa-backyard barbecue ang Agoncillo couple.

Ang nag-post lang ng pic ay ang wife ng best friend ni Matty na si Ranvel Rufino na si Bianca, at bale ‘yon ang first pic ng AshMatt as a married couple dahil wala pang lumabas na pic na magkasama sila after ng much-talked about secret wedding nila sa BGC.

Kasama sa masayang group pic ang mga anak nina Juday-Ryan. Wala pang post ang mag-asawa ng very private na dinner nilang ‘yon.

‘Yong staff na nag-post ng nag-viral na good mor­ning video ni Sarah sa set ng “TVT” nong araw ng kasal ay nag-post ulit ng video with Sarah na bumabati ng “Good morning”.

Ang cute ng kuwento nong staff na kinikilig daw si Sarah ‘pag tinatawag na misis.

Tapos ay kinilig daw sila sa kuwento ni Coach Sarah na sinabihan daw nito si Matteo ng, “Good morning, asawa ko!”

Parehong very private sina Sarah at Matteo sa kanilang relasyon kaya ang lakas makakilig at maka-happy ng mga ganitong kuwento tungkol sa AshMatt, lalo na ngayong mag-asawa na sila.

‘Di ba, Mommy Divine?!
PAK!!!

Lovi, Tony, Marco laplapan may kasamang dila

Utos mismo ni Direk Joel Lamangan na may kasamang dila ang halikan ni Lovi Poe with Marco Gumabao and Tony Labrusca sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede” ng Viva Films.

Ganon daw kasi maki­paghalikan si Direk Joel at ‘pag wala raw kasing tongue ay parang hindi raw siya mahal nong kahalikan niya. Normal naman daw ‘yon at hindi malaswa kaya ‘yon ang ipinakita niya sa movie.

Si Lovi ay hindi na nag-hold back at binigay na lang sa eksena para maging realistic. Kaya take one daw lahat ‘yon dahil ayaw ni Direk Joel nang paulit-ulit.

‘Yong bonggang laplapan nila ni Marco ang nasa trailer pero ang sabi ni direk ay with tongue din ang kis­sing scene nina Lovi at Tony, na in fairness ay sanay sa mga ganito bilang ang dami nilang ganong eksena ni Angel Aquino sa iWant movie na “Glorious”.

Very slow and romantic ang des­cription ni Lovi ng love scene nila ng boyfriend niyang si Tony sa movie, habang ‘yong sa kanila ni Marco na dati niyang best friend ay medyo upbeat.

“Never Ever Say Goodbye” (ni Nonoy Zuñiga) pala kasi ang nagpi-play na music sa intimate scene nina Lovi-Tony at ‘yong kina Lovi-Marco naman ay ang title theme song na “Hindi Tayo Pwede” (ng The Juans).

Ang dating ni Tony ay parang expert na ito sa French kissing pero kina­kabahan pa rin daw ito sa mga ganong eksena.

Ang ganda nong sinabi ni Tony na ‘yong ginawa nila ni Lovi ang masasabi niyang sex scene of his dreams dahil napa-wow daw siya sa pagkakagawa nito.

Si Marco ay walang tongue involved ang halikan with Anne Curtis sa “Just A Stranger” pero nag-level up daw siya rito sa movie niya with Lovi.

Normal lang daw kay Marco ang kissing with tongue at saka um-all out daw kasi talaga siya sa passionate na eksena na ‘yon kaya hindi big deal kung may kasama mang dila ang laplapan nila ni Lovi.

Sa March 4 ang showin­g nationwide ng “Hindi Tayo Pwede” na hindi lang daw halikan, dilaan at paseksihan kundi meron ding magandang kuwento ng pag-iibigan na umaabot hanggang kamatayan.