Abante Tonite Interactive

Asawa ni Gary V hinahabol sa P8.7M tax?

By
2,481

tonite-this-is-it-roldan-castroBulung-bulungan na may kinakaharap umanong P8.7 million headache ang asawa ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan. How true na natalo sila sa tax battle sa BIR sa Court of tax appeals para sa kumpaniya nilang Manila Genesis Entertainment and Management Inc.?

Ayon pa sa balita pinagbabayad umano sila ng 12 percent delinquency rate mula 2008, when the inter-company advances were made.
Sinikap naming kunan ng reaksyon si Ms. Angeli sa pamamagitan ng direct message sa kanyang Twitter account.

“Hi there. My lawyer just arrived from abroad and we are meeting to prepare the proper statement. But the industry knows what Genesis stands for and we have been around since 1986 paying our taxes and we have survived by God’s grace and a team committed to support what is right. We try to face our challenges and always seek to do what is right. Thank you for reaching out. I am sad it comes at a time when the media is honoring Gary and after all our medical and personal challenges!” pakli niya.

***

Kaseksihan ng ‘Abay Babes’ nakakabusog ng mata

Siguradong mabubusog ang mata ng mga manonood sa pinagsama-samang kagandahan, kaseksihan at kalokohan nina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Nathalie Hart, at Cristine Reyes. Ito’y sa pinakabagong pelikulang handog ng Viva Films na ‘Abay Babes’.

Ilang taon matapos ang high school, muling magkikita-kita ang mga Bicol “It Girls” na sina Emerald, Ruby, at Perla, para sa nalalapit na kasal ng kanilang kaibigang si Goldie. Dara­ting din si Jade, ang isa pang kaibigan ni Goldie mula naman sa America.

Ang papel na Emerald ay ginagampanan ni Nathalie Hart. May alyas ito na “Bicol Express” dahil ayon dito, siya ang pinaka-hot sa grupo.
Si Ruby, ang class topnotcher at ngayo’y isa nang doktor, ay ginagampanan ni Cristine Reyes. Siya ay binansagang “Pili Nuts” dahil ayon sa kanya, sa huli ang nagingibabaw niyang kagandahan pa rin ang pinipili ng lahat. Ibinahagi ni Cristine sa isang panayam na nag-enjoy siyang makipag-jamming sa kanyang mga co-stars sa tuwing breaktime sa shoo­ting.

Si Perla naman ang tinatawag na “Mt. Mayon” ng grupo dahil sa kanyang perfect figure, ay ginagampanan ni 2016 Miss International Kylie Verzosa. Ayon sa kanya, “I have this desire to be really good at something. I want to be good at acting, not being an artista.”

Si Goldie, ang class clown sa pelikula, ay ginagampanan naman ni Ro­xanne Barcelo na kalog din sa tunay na buhay. Si Goldie ang tinatawag na “Abaca” ng grupo dahil ayon sa mga ito, tulad ng fiber, siya ang pinakamatatag sa kanila. Kung katatagan din lang ang pag-uusapan, siguradong nasa honor roll si Roxanne dahil sa kanyang staying power sa mundo ng showbiz.

Si Jade, ang videographer na magdo-document ng road trip ng grupo patungo sa wedding venue.Ginagampanan naman ito ni Meg Imperial. Sa isang IG post ng dalaga: “Once you become fearless, life becomes limitless.” At dahil walang takot si Meg na gampanan ang mga karakter na ibinibigay sa kanya, sunod-sunod din ang mga project na dumarating sa kanya sa TV man o sa pelikula.

Kasama rin sa Abay Babes sina Tom Rodriguez, Marco Gumabao, Mark Bautista, Candy Pangilinan at marami pang iba. Mula sa direksyon ni Don Cua­resma. Showing na ito sa September 19.