Abante Tonite Interactive

Asawa ni James sinopla ang katkatera

By
2,634

Sa hindi naman dapat na naging kontrober­siyal na panayam na ipinalabas sa Rated K, walang duda at kitang-kita naman na masaya, payapa at nagmamahalan ang mag-asawang James Yap at Michel­a Cazzola.

Picture of a content home maker, not to mention blooming and beauteous ngayong buntis siya with her second child, na baby girl ang gender assignment.

Artistahin at super charming ang anak nilang si Michael James Yap, na brother by blood ni James Yap Jr.

Sa panayam, kitang-kita rin ang pagiging classy, finesse at pagka-fashionista ni Mrs. Yap. So loving her floral printed maternity dress.

Ang isa pang bonggang aspekto tungkol kay Michela eh ang kanyang short, direct and honest replies sa mga tinatanong sa kanyang social media account.

May isang katkaterang tinanong siya na, “Why don’t you tell james to provide for bimby’s needs, it’s in the Law.”

Sagot ni Mrs. Yap, “I mind my business and so should you, don’t you think that would be the most appropriate thing to do?”

Kuda muli ni katkatera, “It’s the reputation of your partner and the father of your kids and also james’s Dignity that’s being in question here but…. Whatever.”

Reak ni Michela, “It’s the perception you created in your mind, it’s not necessa­rily the reality.”

Patuloy na hanash ni katkatera, “Love your answer. Hope this will also be in the news because let’s admit james’s name is destroyed right now.”

Ang concluding reply ni Cazzola kung saan kitang-kita why the difference is so crystal, “Actually nothin­g news worthy from me, am just saying that reality is complex in general, and I don’t like to judge people, who are we to judge?”

Very well said ang mga sagot mo sa katkatera, tunay na Mrs. Yap. Hindi na ako magtataka na may major, major reaction na naman ang warrior queen sa exchanges na ito. Sinampal na naman kaya ang feeling niya ngayong the whole world know kung paanong like a lady till the end kung sumagot si Michela. Walang bitterness. Walang vitriol. Kaya naman pala ikaw ang minahal ng walang kapantay ni James Yap, alam na alam na.

DJ sampung taon kapiling si Direk Wenn

Mas detalyado nga­yon ang pag-amin ni DJ Durano sa isang radio program na the best 10 years of his life, ang kanyang kapiling at kasi­ping ay ang lover/partner at mentor niya, ang the late Direk Wenn Deramas.

As of this writing 172 views sa Facebook at 5 shares ang nasabing bidyo kung saan pinahayag ni DJ ang damdamin tungkol sa dating karelasyon.

Ang sa diva that you love lang naman, sigurado naman akong sinabi at ipinaram­dam niya ang pagmamahal na ‘yun kay Direk Wenn pero kung mas maaga nilang sinapubliko, bagama’t parang “open secret” na naman ito dati, may maximum impact ito sa mga maricon na nanalig na may lalaki tala­gang magmamahal sa kanila.

Mas progressive kung during the height of their relasyon nangyari ang pag-amin, mas panalo kung naging isa sila sa mga Love Wins na couple.

Kung ang pag-amin ay nangyari nu’ng kasagsagan nila, ang mga rebelasyon na hindi lang sexual ang namagitan sa kanila ni Direk Wenn, na wala raw use me in a sentence component, na walang gamitan at ang tagos sa puso niyang pagpapahayag na ang isang dekadang pagmamahalan nila ay, “Those were the best 10 years of their lives,” mas inspirational, mas aspirational, lalo na para sa mga bading na may straight na lalaking karelasyon, at sa mga lalaking totoong nagmamahal sa bading.

Direk Wenn and DJ could have been the living proof na hindi lang pwede, kundi pwedeng-pwede talagang maging matagumpay ang different kind of love.