Abante Tonite Interactive

Asawa ni Julia Roberts selos to death kay Richard Gere

0 448

Very vocal si Julia Roberts sa pagmamahal niya para sa asawang si Danny Moder. Napaka-romantikong larawan at mensahe ang mababasa sa Instagram niya sa pagdiriwang ng 17-taong anibersaryo ng kasal nila.

“#TheWheelieKingsWife,” ang caption na inilagay niya sa throwback photo ng kanyang asawa.

Nagkakilala sina Moder at Roberts habang ginagawa niya ang pelikulang “The Mexican” noong taong 2000. Nagpakasal sila taong 2002 at nagkaroon ng tatlong anak – ang 14-taong gulang na kambal na sina Hazel at Phinnaeus at ang 12-taong gulang na si Henry.

“Getting married to Danny. That was the first, like, my life will never be the same in the most incredible, indescribable way… He truly, to this day, to this minute, is just my favorite human. I’m more interested in what he has to say or his point of view just more than anybody. Really, we’re so lucky in that way. We just really, really like each other and we just enjoy each other’s company,” pagmamalaki pa ni Julia sa maganda nilang samahan ng kanyang asawa.

Walang katotohanan ang naglalabasang balita na nagseselos ang asawa niya sa kanyang mga nagiging leading man lalo na kay Tom Hanks na tinawag niyang super hot.

At sa wakas, napatunayan na ngayong mali at walang basehan ang espekulasyong nagpa-file ng divorce ang asawa niyang si Moder noong 2017. Ito’y dahil sa tindi ng selos umano sa kanyang leading man na si Richard Gere.

Ngayon ay maliwanag na kailanman ay hindi nabagabag si Moder sa pakikipagkaibigan at pakikipagtrabaho ng kanyang asawa kay Gere. (Lourdes Fabian)