Abante Tonite Interactive

Asawa ni Rain magka-comeback sa K-drama

3,335

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon na ng public appearance ang South Korean actress na si Kim Tae Hee. Ito’y simula nang manganak siya noong October 2017 sa unang baby nila ng Korean singer/actor na si Rain.

Ito’y sa event ng ineendorso niyang cosmetic brand na Cellcure. Hindi nabigo ang mga tagahanga ni Tae Hee kahit matagal na naghintay sa pagbabalik niya. Karamihan ay nagulat na parang hindi raw siya nanganak. Flawless at seksing-seksi pa rin ito sa kanyang white outfit.
Ang kanilang baby girl ng mister na si Rain ay limang buwan na.

Nagkataon din naman na 38th birthday ng aktres noong March 29 kaya nakatanggap ito ng mga pagbati. Kinantahan din siya sa event. Masaya ang aktres at hindi maitatangging na-miss din niya ang showbiz life.

Abante Hiring – IT dep

Sa kanyang Instagram account nga, ang @taehee35, nagpahiwatig na ang aktres na kahit na may asawa at anak na siya, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagiging isang artista.

Base sa kanyang Instagram post, tila namimili lang ito ng magandang story para sa kanyang comeback drama. Aniya, “I’m trying hard to return with a great show. Please stay healthy and happy until we meet again on screen!”

Huling napanood si Tae Hee sa K-drama na “Yong-pal” bago siya nagpakasal kay Rain, mabuntis at makapanganak.